Si Macario Sakay ay ang pinakahuling heneral na sumuko nuong sa himagsikan ng Pilipino-American War. Tinuloy niya ang pakikipaglaban sa mga Amerikano matapos nakipagsundo si Heneral Emilio Aguinaldo na ibaba ang kanilang armas kapalit ng pangakong kasarinlan. Si Sakay ay nagtayo ng Republika ng Katagalugan upang ipagpatuloy and pakikidigma tungo sa independensia. Siya'y naudyuk na sumuko sa pangakong kalayaan, nguni't ito pala ay isang bitag. Matapos siyang sumuko, si Sakay ay inaresto, kinulong, pinaratangang isang bandido at hinatulan ng kamatayan.
Itong ika-13 ng Septiyembre ay ang pag-gunita ng ika-100 taon ng kanyang kamatayan na nagbigay buhay sa ating kalayaan. Ang ating kaibigang si Ka iltabenla at sampu ng ating kasamahan sa musikang bayan ay nagdiriwang sa pamamagitan ng paglikha ng mga awit at tulang alay kay Ka Macario. Mabuhay ng Pilipinas! Ito ang mga katagang binangit ni Ka Macario bago siya nalagutan ng hininga.
Hanapin lamang ang pangalang Macario Sakay sa itaas na kanang bahagi nitong pahina para sa karagdagang kaalaman.
No comments:
Post a Comment